Ang kasuotang Filipiniana na makikitang suot ko dito.ay isang modernong kasuotan na sinusuot sa henerasyong ito. Ito ay kasuotang gawa ng ating mga ninuno at dating kilala sa tawag na Maria Clara dress. Hango ito sa kilalang karakter na si Maria Clara na Noli Me Tangere na akda ni bayaning Jose Rizal. Kaya ito tinawag na Maria Clara dahil maihahalintulad ito sa karakter ni Maria Clara sa libro na sumisimbolo sa kababaihang Filipina, kahinhinan, katatagan at may tiwala sa sariling kakayahan. Ito ay kasuotang baro at saya na may maluwag at mahabang manggas na ipinapares sa isang malapad at mahabang saya. Kadalasan ito ay may habang hanggang talampakan.
Ang
mga kababaihang Filipino na makikita nating nagsusuot ng Filipiniana ay.madalas
na makikita sa mga okasyong nagpapahalaga ng kultura nating mga Filipino. Isa
na rito ang SONA o State Of The Nations
Address na ginagawa ng bawat Pangulo. Nagsusuot ang.mga kababaihan ng
Filipiniana upang maipaabot ang mensahe na tulad ng gustong ipaabot din ng
SONA. Ito ay ang kakayahan nating mga Filipino na makipagsabayan sa anumang
larangan saan man sa mundo. Sumisimbolo din ito sa kakayahan ng bansa na tumayo
at mabuhay, mangalaga ng kapaligiran, tumulong sa mga. nararapat abutan ng
tulong, at pagpapakita na ang ating bans ay may kakayahang mababilang sa
"first world status".
Isang
mahalagang simbolo ng kulturang Filipino ang kasuotang Filipiniana. Sa kabila
ng mga nagsusulputang modernong kasuotan, napakaganda pa ring tingnan
lalong-lalo na sa mga espesyal na okasyon. Tumatawag ng pansin ang kulay at
simpleng disenyo na animo ngsasabing ang nagsusuot din nito ay isang babaeng
may tapat at tunay na pagmamahal sa bayan at sa buhay. Animo, may itinatago sa
kasuotang ito na kahit balot man ang katawan ng nagsusuot, may tapang at tatag
sa likod nito. Mahinhin at mayuming tingnan ang sumusuot ng Filipiniana pero
kung kinakailangan ang Filipinang nagsusuot nito ay lumalaban sa lahat ng hamon
ng buhay. Kahit anong pagsubok ang pinagdadaanan nating mga Filipino tayo ay
hindi sumusuko at nakangiti pa ring lumalaban. Tulad ng Filipiniana, sa
pagtuloy na pagdaan ng mga taon napapanatili nito ang kanyang kahalagahan at
simbolismo. Di man sya naisusuot sa pang araw-araw nating pamumuhay, pero ang
kasuotang ito ay namumukod tangi pa rin at napakagandang tingnan. Hindi pa rin
matawaran ang ganda ng kababaihang Filipino.
No comments:
Post a Comment